availment of senior citizen discount - Consumer Complaint for Mercury Drug - HEAD OFFICE



SENDER
Jamie Galit
Good day! I just want to know kung ano ang policy nyo sa pag avail ng senior citizen discount pag dating sa otc at vitamins. sabi kasi sa mercury dito sa san juan batangas iba daw ang policy nila sa ibang pharmacy. kanina bumibili ung mommy ko ng maintenance medicine nya. sabi ko add sya ng neurogen e good for 1 week kasi otc vitamins naman yon.

alam ko kasi seniors can avail otc and vit without rx good for 7 days eventhough walang rx as long as the senior can present their id and booklet.

pero sabi nila iba daw ang policy nila, need daw ng rx para don. 2yrs ago bumibili din ako ng biogesic sa kanila pagkagaling ng mommy ko sa hospital para sa take home meds nia, pinasamahan ko ng biogesic para sabi ko if ever na lagnatin ulit may maiinom sya. pero sabi nila need daw ng rx para makadiscount ng ganon. simula non sa watsons at mercury sa manila na ko bumibili para sa meds at vitamins ng parents ko kasi sila standard ang rules na binibigay nila. as long as may id, booklet at otc and vits good for 7 days kahit walang rx nagbibigay sila.

gusto ko lang malaman kung tama ba ang sinasabi ng mercury dito sa san juan batangas, na may sarili silang rule pag dating sa availment ng senior citizen discount. para next time alam ko kung saan ako bibili at para malaman ko na din kung mali ba ako. kasi nung bumibili ako sa mercury sa manila at sa watsons ng meds at vits ng mommy ko hindi naman ganyan. Tinanong ko na din ung taga mercury na binibilhan ko sa manila pagdating sa senior citizen discount sabi naman nila pede as long as otc at vits basta may id booklet at good for 7days ok.

I will wait for your feedback, thank you and stay safe.
Comment
COMPLAINT #10097 - Other Issues
Required to inform you about complaint approval (or reject).
We will not publish your email.