Ang problema ko lang po ay ipinadala ko po sa lbc yung nirefund ko na item sa lazada. Kaya lang nung tinanong ko po sa staff ng LBC Camias San Miguel Bulacan kung kelan ko makukuha yung pera na nirefund ko. Ang sagot po sakin ni kuya kunin ko nalang daw ulit yung item at tatawagan nalang daw nila ako. Pero until now wala parin po akong natatanggap na tawag nila. Kaya muli po akong bumalik sa lbc kinabukasan para sa update. Pero sarado na po sila. Nakapagtataka lang po na ayaw yata nila ng responsibility para ganun nalang nila kadali tanggihan ang mga customers nila. Nakakalungkot lang po na inabot na ng cancelation ang item na dapat ay nairefund na noon pa. Pero wala parin po akong natatanggap na tawag mula sa kanila. Kaya ang pangit po ng service ng lbc Camias San Miguel Bulacan. Sana ay palitan ng yung staff jan ng matinong kausap.