Good evening!
Ako ay madalas nagpapadala sa lbc. 2nd time ko magpadala ng perfume in a glass bottle. Naka tape. Naka bubble wrap and naka tupperware pa sya. So expected ko na sobrang safe ang item na ipapadala ko. Then nung dumating sya sa customer. Nagleak and basa na yung mismong kahon nya. Nung binuksan na to find out na may isang bote na nabasag. So yun ang nag cause ng leakage. Almost a month na sya nangyari. Ang bagal ng progress. Okay i understand dahil kailangan pa imbestigahan.nakailang balik na rin aq at ang kapatid q sa lbc to ask an update.yung customer ko paulit ulit na ako kinukulit kasi anu na dw ang balita dun sa nabasag at nag leak. So bale 6 bottles lahat ng damage kasama na yung isang bottle na basag. Worth 6× 120 each so total of 770 pesos.dahil lagi akong kinukulit ni customee. Binayaran ko nalang sya. Kasi naaawa din nmn aq. Instead na kumita sya mas lalo lang nalugi dahil sa imbes na maibenta nya na ang perfume eh paano nga ang gagawin. Hndi nmn na nya mabebenta at damage and basag na. To cut tje story short. Binayaran ko na si customer para ako nalng ang mag antay ng refund ni lbc. Willing to wait naman aq.wala nmn problema sa akin. Basta wag naman na siguro aabutin ng 2 months!
Eto tlaga yung problem ko. I mean yung complain ko is bakit ganun? Nagpunta aq ng lbc kasi magpapadala aq ulet. Then tinanong nila ako if anu ang ipapadala ko. Sinabi q perfume ulet. Sinabi nila sa akin na hindi na sila tatanggap ng perfume dahil nga daw sa nangyari na pagkabasag. So what's the point? So kasalanan ko ba na, na mishandled sya kaya nabasag? Nag effort ako pumunta ng lbc mojon malolos branch kasi iyon ang nearest sa amin. Then para sabihin lang sa akin na hindi nila tatanggapin ang perfume na ipapadala ko dahil sa nangyari. And ang sisingilin daw ni lbc na magbabayad dun sa nabasag is yung staff na nagreceived ng package ko. I doubt it, how come si staff ang magbabayad to think na maayos na maayos ang pagkakapacked nung ipinadala ko sya. And kaya nga nakabubble wrap and tupperware for the safety na rin ng item. Even if you are the investigator hindi naman siguro lalabas na si staff na nagreceived ang sisisihin at pagbabayarin. Pero how rude naman na dahil sa nangyari eh sasabihin nila sa akin na hindi nila tatanggapin ang ipapadala ko at i try ko nalang sa iba! I want an answer for this.kasi ang unfair sa part ko as a customer na tratuhin ng ganun. To think na sobrang nalugi na nga ako dahil sa nangyari. Tjen ang sasabihin pa sa akin hindi na ako pwedeng magpadala ng same item dahil sa nangyari. The reason kaya may nearest outlet kayo in every location is para mas mabilis ang access ni customer right? Pero bakit naman po ganun? Nasayang lang ang pamasahe ko kanina to the point na mukhang tanga ako at na humiliate at the same time sa harap ng ibang customer nung sabihin nila sa akin na hindi na namin matatanggap yang ipapadala mo. Hindi na kami tatanggap!
Thanks!