Rude rider - Consumer Complaint for J&T Express Philippines



SENDER
Florisse Cubalan
Bastos ng rider nyo sa si BILLY BALDERAMA ng J&T Sta. Cruz Laguna Branch. Una, sa pag aabot pa lang ng item parang sya pa ang galit dahil sa pagdedeliver. Basta basta na lang iabot. Pangalawa, kulang magbigay ng sukli. Hindi sa nagdadamot ako ha, oo maliit na halaga lang yon pero sana Naman magpakita sya ng magandang ugali eh. Kung ituturing na tip Yung kinakaltas nya Sana Naman magsabi muna. Hindi Yung paghuhulain pa Kung bakit kumulang sa sukli. Pangatlo, nakita ng kapitbahay namin na nakatambay sya sa may basketball court malapit samin na naninigarilyo habang may mga item pa na dapat maideliver na. Pang apat, gusto pagdating pa Lang sa labas ng bahay, lalabasin na ng receiver at nung natagalan ako lumabas dahil nakatulog ako, Ang ginawa nya kinalampag Ang pinto na akala mo may humahabol sa kanya. At panghuli, napakaSINUNGALING. Umaga pa lang nagtext na ko sa kanya na 12-1 lang ako nasa bahay dahil di ko Naman alam Kung uuwi ba nanay o tatay ko at nasaakin din yung pambayad. Unexpectedly, umuwi tatay ko at sya Ang naabutan ng rider sa bahay. Tinanong Ng tatay ko Kung nagtext ba ko sa kanya, Ang sinagot ni rider ay Hindi daw.
Comment
COMPLAINT #10918 - Delivery Issues
Required to inform you about complaint approval (or reject).
We will not publish your email.