Ako po si Hernando Santos, isang senior citizen at regular na mamimili ng Puregold.
Gusto ko lang po sanang iparating sa inyo ang hindi magandang nangyari sa akin, 03 April 2021 sa PUREGOLD ZABARTE dito sa North Caloocan.
Nandun po ako ng 10am para sana mag-withdraw sa ATM para bumili ng maintenance med ko. Nagkataon po na ang colored coded quarantine pass na dala ko ay 1:30pm pa pwede. Nakiusap ako ng maayos sa security guard on duty sa entrance ng Puregold na kung pwede ay bigyan ako ng consideration dahil matanda na ako at offline ang atm sa labas at sobrang init kung lalakarin ko pa yung ibang atm. Wala naman akong ibang sadya noon kundi ang mag-withdraw lang at lalabas naman din ako agad.
Hindi niya po talaga ako pinapasok kahit sinabi ko pa na emergency case ito at kailangan ko ng uminom ng gamot.
Ipinaliwanag ko sa kanya na sinabi naman ng IATF na kung magka-problema sa quarantine pass, makiusap na lang ng maayos sa sinumang sisita. Sinagot ba naman po ako na paano daw kung hindi pagbigyan ang pakiusap?
Naramdaman ko na tumataas na ang bp ko kaya nakiusap ako uli sa kanya na kung pwede ay makausap ko na lang ang store manager ng Puregold o kaya ang kanyang OIC. Hindi niya lang po ako pinansin. Mabuti na lang at may isang empleyado ang Puregold na nagtanong kung ano ang nagyayari. Sinabihan niya ang guard na papasukin na ako dahil emergency case naman. Pero yun ay pagkatapos ng halos kalahating oras na pakikiusap ko sa guard.
Pasensya na po at naiparating ko pa inyo ito. Wala naman akong gustong mangyari sa guard dahil trabaho niya yun. Pero sana mapagsabihan siya na dapat alam niya kung kailan dapat niyang gamitin ang tamang disposition. Ang security guard po si SG FUROG, JN ng JR8 Security.
HERNANDO SANTOS
Senior Citizen