RIDER REFUSES TO DELIVER - Consumer Complaint for J&T Express Philippines



SENDER
Joeline Decena
This has happened to us for several times. COD ang item pero tatawag ang rider na hindi raw kayang i-deliver kaya i-pick up na lang. J&T Narra 1 branch. Considering them, sige, kahit paid ko naman ang shipping fee.

Kahapon lang, I was notified na for delivery na nga ang items ko so I expected na darating ang rider. Pero hindi siya dumating at sinabing "Customer is not available" sa notif niya. Lagi na lang "Customer is not available" pero katulad kahapon, hindi naman dumating. O tulad nung nakaraan, paid na ang order pero iba pa rin ang nakalagay sa notification. Nung tinawagan ko para tanungin kung bakit "Customer is not available" samantalang na-deliver na at nabayaran ko na, ang sabi niya lang sa akin, mali lang daw ng punch. Pero yung paulit-ulit na ganun ang scenario? Namali pa rin po ba yun ng punch?

We are far from the branch kaya nga COD ang pinili ko, nagbabayad din ako ng tama kaya deserve naman siguro ang good service. Tapos ngayon pinapa-pick up na naman ang mga item sa branch kasi last day na raw, e wala namang attempt ng delivery kahapon. Sabi ng rider, pinagbabawalan na raw siyang mag-deliver sa area namin kaya dapat i-pick up na lang. Nakikiusap ako na baka may ibang rider na pwedeng maghatid, wala raw. Wala tuloy kaming choice ngayon kundi i-pick up ang item namin. Nagbayad na ako ng shipping fee para sa COD, magbabayad pa ako ng transpo para sa pagpunta sa branch nila, may baby pa naman ako bini-breastfeed. Kung pwede lang ipa-cancel yung iba ko pang items na parating, ginawa ko na, para hindi na sa branch na yun mapadala, kasi siguradong for pick up na naman ang mga parating. Nakaka-hassle po sa part naming customer. Pinili ko ang J&T kasi nga may COD for convenience but look what's happening.

Where did "Cash on Delivery" go? We're paying the right price so please give us the right service. Mabigyang pansin po sana. Salamat
Comment
COMPLAINT #12842 - Delivery Issues
Required to inform you about complaint approval (or reject).
We will not publish your email.