RUDE HEAD OF HR - Consumer Complaint for Puregold - Head Office



SENDER
Lara Garcia
Magandang araw!

Nais kong I complain ang isa sa mga empleyado ng HR department na si Ms. Rochelle ng Puregold San Pablo Colago, ang asawa ko ay isang former ofw mula kuwait na umuwi nito lamang Aug. 31 dahil sa pandemic. Nag apply sya sa naturang branch ng Puregold bilang Merchandiser ng produktong Coca- Cola sa pamamagitan ng Acabar Agency. Mula sa naturang agency ay ang mga papel ng endorsement letter, ngunit isa sa limang papel ay nagkaroon ng ibang pangalan na dapat ay nakapangalan sa asawa ko. Sa makatuwid hindi ito na-edit ng Acabar. Mula sa HR office ng San Pablo City Colago, pinag si sigawan ni Ms. Rochelle ang asawa ko sa harap ng iba pang empleyado, pinag bintangan ng panloloko at tinakot na ipapablock sa DOLE at Acabar Agency. Sinabing kahit kailan ay hindi na makakapasok pa bilang empleyado ng Puregold.

Nais kong ipabatid na walang ginawang masama ang asawa ko ng unit itinuring sya ng masama ng isa sa mga empleyado nyo at ipinahiya. Mayroon kaming video na magpapatunay ng insidente. At kung hindi nyo ito aaksyunan lalapit ako sa kinauukulan.
Comment
COMPLAINT #8435 - Other Issues
Required to inform you about complaint approval (or reject).
We will not publish your email.