intentionally opened the balikbayan box - Consumer Complaint for LBC - Head Office
RECIPIENT
LBC - Head OfficeMayroong malaking butas ang balikbayan box ko. Hindi siya basta nabutas lang. Halatang hiniwa ang box, dahil yung butas kaya ipasok ang isang buong kamay. Ang pagkakasira ng box ay parang ipinilit ipasok ang kamay. Tatlo ang balikbayan box ko na hindi sabay sabay dumating, magkaka-ibang araw. Yung unang box na dumating may butas, after 5 days dumating naman yung dalawang box na may butas din. Parang hindi tama na magkaroon ng ganoong malaking butas sa dalawang box. Hindi rin ito masasabi na bumigay, dahil yung isang box na bulilit magaang lang buhatin pero nagkaroon rin ng butas. Itinawag ito ng LBC Dubai para ipaalam na may butas daw ang box. Ang sabi ng LBC Dubai sinuportahan nila ito ng tape pero wala namang tape na naidagdag, malaki pa rin ang butas. Ang tape na nakalagay doon ay yung tape na ako rin mismo ang naglagay noong nasa Dubai ako. Please do something about this. Nakakadalang magpadala sa LBC kung ganiyan ang mae-experience ng magpapadala sa inyo, nakakawala ng tiwala.
Comment
COMPLAINT #10193 - Other Issues