- Consumer Complaint for FoodPanda - Head Office



SENDER
Mary Kaye Magboo
Napakawalang galang ng nagdeliver ng order ko. Nagkakababaeng tao, (tomboy pa yata), eh ang pangit ng tabas ng dila. Napakabastos. Sayang, I didn't got her name. Ako pa ang sinumbatan nya na wala man lang daw exaktong address na nakalagay sa info ko kaya daw natagalan madala ang order ko. E ang dami kong "NOTES TO RIDER" doon and may map naman to trace the address. And sabi pa nya sa amount ng order ko na P337 pesos, "Ang liit naman pala." May minimun amount ba sa pag-order sa Foodpanda? Napakabastos talaga. Sa dami ko ng naorder sa Foodpanda, siya lang ang namumukod-tangi na masama ang trato sa costumer. walang respeto, napakapangit din ng tono ng pananalita. And lastly, for the payment, nag-abot ako ng 1,000 sa kanya. Sabi nya wala daw siyang pansukli. So binigyan ko ng lower bill, 500 pesos. Wala pa rin daw siyang panukli kasi pauwi na daw siya. Ako pa talaga ang pinamroblema nya. At dahil maganda ang araw ko nung time na un, hindi ako nakipagtalo sa kanya, naghanap na lang ako ng barya. nakakahiya naman sa kanya. I'll still order pa rin naman sa foodpanda kasi hindi lang naman siya ang nagdedeliver, basta 'wag ko lang makakaharap ulit ang babaeng yun sa susunod kong order. Humanda talaga siya.
Comment
COMPLAINT #6986 -
Required to inform you about complaint approval (or reject).
We will not publish your email.